Friday, February 17, 2017

Cool Things at Daiso Japan - One Mall Valenzuela

One Valenzuela would exclaim at the back of her mind, "Oo nga noh! (Ah yes!). This item makes doing this work a bit more easier!" or "This is a really cool twist!" when she finds herself big-eyed looking at the stuff you can buy at Daiso Japan. Other than being budget-friendly to an average Juana consumer like her, Daiso Japan has always amazed her mind with things that it offer on its shelves. And so seeing a Daiso Japan shop at the third floor of One Mall Valenzuela made her happy (insert *dancing Happy Feet*). 

Daiso Japan - One Mall Valenzuela 

So what might you find interesting? Scroll down the photos below for some stuff worth checking out at Daiso Japan-One Mall Valenzuela branch:

Here are some water dumbbells to help you start exercising.

This Pretzel at the Sale Corner was recommended by the cashier. Yep, it's good!

This egg timer will help you know if the eggs you are boiling are already soft, medium cooked, or hard boiled. Genius!

Massaging with the Scalp Point Tool

Blind cleaner with microfiber may help you clean those blinds faster.

Two-in-one: walking seat and cane

Very handy poop bag dispenser. Having one of these when you go out with your dog will make poop cleanup easier. 

Toilet bubble cleaner to keep your private throne free from dirt

Multicolored muddlers to help you mix drinks

White blocks of erasers which you can also carve to make personalized stamps.
Since you might find a lot of things really useful, kawaii, and quite affordable here, always remind the little-shopper-in-you to purchase the needs before the wants. But... it won't hurt to buy a stuff or two of those things which are not in your need-to-buy list, especially if it is a treat for one's little successes, right? Happy shopping, Valenzuelanos!

Daiso Japan - One Mall Valenzuela
Address: 3rd Floor One Mall Valenzuela
Gen. T. De Leon Road, Brgy. Gen. T. De Leon,
Valenzuela City (near Gen. T. De Leon National High School)
Like Daiso Japan on Facebook here.









Tuesday, February 7, 2017

Valenzuelanos of the Month: Tanghalang Banyuhay Inc.

National Arts Month is currently celebrated in the country. In support of promoting culture and arts in Valenzuela City, One Valenzuela is featuring Tanghalang Banyuhay Inc., a theater group based in our city. (Interview in Filipino) 
Cast and staff of the stage play "Huling Paraiso" written and directed by Roderick O. Alo 
Ang Tanghalang Banyuhay Inc. ay nagsimula noong 2003 sa pangunguna ni Roderick O. Alo na mayroong 25 kasapi na pawang mga Valenzuelanos at nakatira sa Barangay Marulas. Bilang isang teatrong pangkomunidad ay kilala ito sa pagbibigay ng libreng Theater Arts Workshop at paglikha ng mga pagtatanghal tulad ng Senakulo at Birhen ng Fatima. Ang grupo din ang kinatawan ng ating lungsod sa WOW Philippines para sa WOW Valenzuela na ginanap sa Intramuros, Manila. Pinarangalan ito ng Culture and Arts Excellence Awardee ng ating lungsod noong 2004 at hinirang na Resident Theater ng Museo Valenzuela noong 2005.

Sa kasalukuyan, ang samahan ay binubuo ng mahigit sa 100 kasapi na pawang aktibo at di aktibo mula noong ito ay maitatag. Mas kilalanin pa natin ang Tanghalang Banyuhay Inc. sa pamamagitan ng isang panayam kay G. Roderick O. Alo:

      Ano ang ibig sabihin ng "Banyuhay"? Paano po nagsimula ang Tanghalang Banyuhay Inc.?
Ang salitang “banyuhay” ay katumbas ng salitang “metamorposis” sa wikang Ingles. Ito ay nangangahulugang "positibong pagbabagong-anyo ng buhay” tulad ng proseso ng paglabas ng paru-paro sa loob ng kanyang cocoon. Ito ang pangunahing layunin ng samahan, ang matulungan ang bawat kasapi na positibong mahubog ang pagkatao at maging produktibong bahagi ng ating lipunan.
    
     Ang Tanghalang Banyuhay ay nagsimula bilang bahagi ng Parish Commission on Youth o PCY ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima at naatasan na gumawa ng pagtatanghal na Senakulo at Birhen ng Fatima. Matapos tanghaling kampeon sa isinagawang patimpalak na Kwentong Kalye Street Play Competition noong 2003 ay naisip ng mga kasapi na bumuo ng isang Community Based Theater Group at agad itong ipinarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Bilang isang grupo, ano po ang kolektibong adhikain ng Tanghalang Banyuhay Inc.?
Sa simula ay pinangarap ng samahan na makatulong sa mga kasapi nito upang sila ay makatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng Tanghalang Banyuhay Inc. Scholarship Program. Bahagi ng kinikita ng samahan mula sa mga pagtatanghal ay inilalaan para makatulong sa mga kasapi. Sa kasalukuyan ay may 12 kasapi na ang nakapagtapos ng pag-aaral at karamihan sa kanila ay guro na sa pampublikong paaralan dito sa ating lungsod.

Oath taking ceremony with Mayor Rex T. Gatchalian
 Ano po ang mga abilidad at talento na hinahasa sa bawat miyembro ng Tanghalang Banyuhay Inc.? Paano po ito isinasagawa?
Nagsisimula sa personality development at kung papaano magiging isang lider at maging bahagi ng isang team. Dahil nga ang samahan ay nagtatanghal, patuloy na pinaghuhusay ang kakayahan sa pag-awit, pagsayaw, at pagkanta sa entablado. Magsisimula sa Basic Integrated Theater Arts Workshop (BITAW) at susundan ito ng Team Building Workshop at Leadership Workshop. Nagsasagawa rin ng Advance Acting Workshop, Dance at Singing Workshop at matapos nito ay lilikha ng Laboratory Production. Doon pa lamang lilikha ng major production na itinatanghal tuwing Agosto, Setyembre, Pebrero, at Marso ng bawat taon.

Prayer in Huling Paraiso (Tanghalang Banyuhay)

Upang marating ang isang adhikain, ang mga balakid ay laging nariyan. Maaari ninyo po bang ilahad ang ilang pagsubok na hinarap at tinawiran ng Tanghalang Banyuhay Inc. upang marating nito ang kanyang kasalukuyang estado?
     Isa sa malaking pagsubok na hinaharap ng samahan ay ang pag-alis ng ibang kasapi dahil na rin sa pagbabago ng kanilang gampanin sa buhay. Tulad na lamang ng mga nakatapos na sa pag-aaral, sila na ang tumutulong sa kanilang pamilya kung kaya napipilitan na silang lumabas sa organisasyon dahil nag-iiba na rin ang kanilang pangangailangan. Ang iba naman ay hindi kinakaya ang paghahati-hati ng oras at responsibilidad sa bahay at sa pag-aaral.

Dahil dito ay regular ang ginagawang Audition at Free Workshop para mag-anyaya ng mga bagong kasapi. Patuloy ang pagtuklas, patuloy ang pagtulong, patuloy ang pagtatanghal para sa bayan.

       Anu-ano po ang naging malalaking tagumpay ng Tanghalang Banyuhay Inc.? 
     Simula 2003 ay marami na ring major production ang naitanghal ng samahan tulad ng: Ang Batang Pio, Titser Ng Bayan, High Five, Ang Paglalakbay Ni Poknat, Ginumon Ng Laro, Rizal Is My President, Huwag Mong Subukan, Ang Pagbabalik Ni Rizal, Uso Pa Si Rizal, Ang Sistema Ni Propesor Tuko, The Man With Great Vices, High Five Meets Kapitan VADAC at ang Huling Paraiso.
Huling Paraiso of Tanghalang Banyuhay Inc.
     Ilan sa mga venue kung saan nakapagtanghal ang grupo ay sa mga sumusunod: Cultural Center of the Philippines, PETA Theater Center, Manila Hotel, MalacaƱang Palace, Teachers Camp Baguio City, Intramuros Manila, Ateneo De Manila, Philippine Normal University, Crossroad 77, SM Clark Pampanga, SM Tarlac, SM Center Valenzuela, Museo Valenzuela, Valenzuela City Auditorium, Valenzuela City Astrodome, Valenzuela City Peoples Park Amphitheater at marami pang iba.
      
     Ang Tanghalang Banyuhay ay napili bilang isa sa mga Finalist ng 38th Catholic Mass Media Award o CMMA, naging nominado sa KBP Golden Dove Awards 2016, at makailang ulit na ring naisahimpapawid sa DZRH Radyo Balintataw, sa programa ng dating Chair ng National Commission for Culture and the Arts na isa ring United Nation Artist for Peace Awardee na si Madam Cecile Guidote Alvarez.

No Man is an Island by Tanghalang Banyuhay
      
      Anu-ano po ang mga regular na aktibidad ng Tanghalang Banyuhay Inc.?
Bukod sa mga workshops ay nagsasagawa ang samahan ng Mobile Apostolate tuwing buwan ng Disyembre. Nasa 100 hanggang 150 kabataan na may edad 5 hanggang 10 taon ang binibigyan ng t-shirt, tsinelas, school supplies, health kit at regalong laruan. Nagsasagawa ng programa, palaro at pakain sa nasabing araw. Sa pamamagitan ng kakaibang Christmas Carol ay lumilibot ang samahan sa mga piling lugar sa ating lungsod upang makalikom ng pondo para sa nasabing gawain. Sa tulong ng mga taong may mabuting kalooban ay matagumpay na naipadarama sa mga nasabing kabataan ang tunay na diwa ng Pasko at ito ay ang pagbibigayan. Sa kasalukyan ay halos higit 1,300 kabataan na ang natulungan ng samahan sa loob ng 13 taon.
Tanghalang Banyuhay Inc. 13th Mobile Apostolate held at Dalandanan National High School
    Taun-taon din na ipinagdiriwang ng Tanghalang Banyuhay Inc. ang Christmas Party for the Family. Tuwing buwan ng Disyembre ay nagsasagawa ng programa para sa kapamilya ng bawat kasapi at dito na rin isinasagawa ang Accomplishment Report kung saan iniuulat ng Pangulo ang naging gawain ng grupo sa loob ng isang taon.
    
    Sa buwan naman ng Enero isinasagawa ang One Year Planning ng organisasyon. Kasama ang ilang piling kasapi ay lumilikha ng Annual Implementation Plan ang grupo upang magsilbing gabay ng samahan. 
   
    Tuwing buwan ng Enero, Abril, Hunyo, at Oktubre isinasagawa ang audition at free workshop ng organisasyon. Layunin nito na tumuklas ng mga bagong kasapi.
     
     Iba’t iba naman ang paraan ng pagdiriwang ng anibersaryo o araw ng pagkakatatag ng grupo tuwing Abril 5 ng bawat taon. Noong ika-13 taong anibersaryo ay ginanap ito sa Ternate Beach and Resort sa Ternate Cavite. Sa araw ding ito binibigyan ng pagkilala ang mga kasapi para sa kanilang natatanging kontribusyon sa samahan.
High 5 Meets Kapitan VADAC
     Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto ay lumilikha ng major production ang samahan at tumatagal ito hanggang Oktubre at muling itinatanghal tuwing Marso. Ang bawat pagtatanghal ay may kaakibat na adbokasiya, tulad na lamang ng dulang “High Five Meets Kapitan VADAC” na kung saan  ay naging katuwang ng samahan ang Valenzuela Anti-Drug Abuse Council o VADAC sa pangunguna ni Mayor Rex T. Gatchalian at Konsehal Antonio Espiritu bilang Action Officer. Bago pa man ang giyera kontra droga ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay may mga hakbang na naisinasagawa sa ating lungsod upang ang salot na droga ay mapuksa. Matapos maitanghal ang dula sa SM Center Valenzuela Cinema 3, Karuhatan Valenzuela City ay itinanghal din ito sa Valenzuela Peoples Park Amphitheater. Ang dulang “Huling Paraiso” naman na tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan ay muling itatanghal sa SM Center Valenzuela Cinema 3 sa darating na Marso 4, 5, at 11, 2017.

      Ano po ang inyong mensahe sa mga pausbong na alagad ng sining sa Valenzuela City? 
      Hayaan ninyong hiramin ko ang sinabi ni Gat Dr. Jose Rizal…”Ang lahat ng ating ginagawa para sa ating mga sarili ay mamatay kasama natin, ngunit ang lahat ng ating ginagawa para sa ating mga kapwa ay mabubuhay magpakailanman…” Ipagpatuloy natin ang pagtatanim ng mabuting pakikipagkapwa. Gamitin natin ang talino at talentong ipinahiram ng Diyos upang tayo ay makatulong sa kapwa…we will perform to educate people…not just to entertain!
     
Want to know more about Tanghalang Banyuhay? Visit them at their office at Dalandanan Village, Dalandanan, Valenzuela City. Contact the theater group at (02) 293-7502 / (0905)335-4755 or send them a message on Facebook here.




Thursday, February 2, 2017

Setting foot at One Mall Valenzuela, Gen. T. De Leon, Valenzuela City

If you have been to Gen. T. De Leon, you will certainly not miss the new towering building near Gen. T. De Leon National High School. A new mall in Valenzuela City! 
Front of One Mall Valenzuela
Gathering  more information from the Internet, One  Valenzuela came across WTA Architecture and Design. On their page, One Mall Valenzuela was described to be about 31,400 square meters and serves as "a linchpin for the neighborhood as an everyday respite and a communal destination point". YIC Group of Companies, on the other hand, says that it is a 4-storey mall with 2 basement levels for carpark. 

Here are some more photos:

People roaming around the new One Mall Valenzuela

 Penshoppe Box and LBC at the first floor of One Mall Valenzuela
Jollibee and SM Savemore are already open. A signage at the front of the mall says that Templora Dermatologica is also located in the same floor level (second floor).
 
Daiso Japan and Handyman at the third floor of One Mall Valenzuela

Basement parking of One Mall Valenzuela
You will notice that many of the shops are yet to open when you explore One Mall. What excites One Valenzuela is that there will be a cinema in this mall! While we are waiting for things to pick up, let us explore Daiso Japan (see next post) and the interesting items One Valenzuela found there which you might find fascinating as well. 

One Mall Valenzuela
Address: Gen. T. De Leon Road, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City (near Gen. T. De Leon National High School)
How to Go There: In Karuhatan Market, go and ride a jeepney at the terminal (Karuhatan-Ugong route). One Mall Valenzuela is just a few meters walk from Gen. T. De Leon National High School.