One Valenzuela would exclaim at the back of her mind, "Oo nga noh! (Ah yes!). This item makes doing this work a bit more easier!" or "This is a really cool twist!" when she finds herself big-eyed looking at the stuff you can buy at Daiso Japan. Other than being budget-friendly to an average Juana consumer like her, Daiso Japan has always amazed her mind with things that it offer on its shelves. And so seeing a Daiso Japan shop at the third floor of One Mall Valenzuela made her happy (insert *dancing Happy Feet*).
Daiso Japan - One Mall Valenzuela
So what might you find interesting? Scroll down the photos below for some stuff worth checking out at Daiso Japan-One Mall Valenzuela branch:
Here are some water dumbbells to help you start exercising.
This Pretzel at the Sale Corner was recommended by the cashier. Yep, it's good!
This egg timer will help you know if the eggs you are boiling are already soft, medium cooked, or hard boiled. Genius!
Massaging with the Scalp Point Tool
Blind cleaner with microfiber may help you clean those blinds faster.
Two-in-one: walking seat and cane
Very handy poop bag dispenser. Having one of these when you go out with your dog will make poop cleanup easier.
Toilet bubble cleaner to keep your private throne free from dirt
Multicolored muddlers to help you mix drinks
White blocks of erasers which you can also carve to make personalized stamps.
Since you might find a lot of things really useful, kawaii, and quite affordable here, always remind the little-shopper-in-you to purchase the needs before the wants. But... it won't hurt to buy a stuff or two of those things which are not in your need-to-buy list, especially if it is a treat for one's little successes, right? Happy shopping, Valenzuelanos!
Daiso Japan - One Mall Valenzuela
Address: 3rd Floor One Mall Valenzuela
Gen. T. De Leon Road, Brgy. Gen. T. De Leon,
Valenzuela City (near Gen. T. De Leon National High School)
Like Daiso Japan on Facebook here.
National Arts Month is currently celebrated in the country. In support of promoting culture and arts in Valenzuela City, One Valenzuela is featuring Tanghalang Banyuhay Inc., a theater group based in our city. (Interview in Filipino)
Cast and staff of the stage play "Huling Paraiso" written and directed by Roderick O. Alo
Ang Tanghalang Banyuhay Inc. ay
nagsimula noong 2003 sa pangunguna ni Roderick O. Alo na mayroong 25 kasapi na
pawang mga Valenzuelanos at nakatira sa Barangay Marulas. Bilang isang teatrong pangkomunidad ay kilala ito sa pagbibigay ng libreng Theater Arts Workshop at
paglikha ng mga pagtatanghal tulad ng Senakulo at Birhen ng Fatima. Ang grupo
din ang kinatawan ng ating lungsod sa WOW Philippines para sa WOW Valenzuela na
ginanap sa Intramuros, Manila. Pinarangalan ito ng Culture and Arts Excellence
Awardee ng ating lungsod noong 2004 at hinirang na Resident Theaterng Museo
Valenzuela noong 2005.
Sa
kasalukuyan, ang samahan ay binubuo ng mahigit sa 100 kasapi na pawang
aktibo at di aktibo mula noong ito ay maitatag. Mas kilalanin pa natin ang Tanghalang
Banyuhay Inc. sa pamamagitan ng isang panayam kay G. Roderick O. Alo:
Ano ang ibig sabihin ng "Banyuhay"? Paano po nagsimula ang Tanghalang Banyuhay Inc.?
Ang
salitang “banyuhay” ay katumbas ng salitang “metamorposis” sa wikang Ingles.
Ito ay nangangahulugang "positibong pagbabagong-anyo ng buhay” tulad ng proseso
ng paglabas ng paru-paro sa loob ng kanyang cocoon. Ito ang pangunahing layunin
ng samahan, ang matulungan ang bawat kasapi na positibong mahubog ang pagkatao
at maging produktibong bahagi ng ating lipunan.
Ang
Tanghalang Banyuhay ay nagsimula bilang bahagi ng Parish Commission on Youth o
PCY ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima at naatasan na gumawa ng
pagtatanghal na Senakulo at Birhen ng Fatima. Matapos tanghaling kampeon sa
isinagawang patimpalak na Kwentong KalyeStreet Play Competition noong 2003 ay
naisip ng mga kasapi na bumuo ng isang Community Based Theater Group at agad
itong ipinarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC). Bilang isang grupo, ano po ang kolektibong adhikain ng Tanghalang Banyuhay Inc.?
Sa simula
ay pinangarap ng samahan na makatulong sa mga kasapi nito upang sila ay
makatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng Tanghalang Banyuhay Inc. Scholarship
Program. Bahagi ng kinikita ng samahan mula sa mga pagtatanghal ay inilalaan
para makatulong sa mga kasapi. Sa kasalukuyan ay may 12 kasapi na ang
nakapagtapos ng pag-aaral at karamihan sa kanila ay guro na sa pampublikong
paaralan dito sa ating lungsod.
Oath taking ceremony with Mayor Rex T. Gatchalian
Ano po ang mga abilidad at talento na hinahasa sa bawat miyembro ng Tanghalang Banyuhay Inc.? Paano po ito isinasagawa?
Nagsisimula
sa personality development at kung papaano magiging isang lider at maging
bahagi ng isang team. Dahil nga ang samahan ay nagtatanghal, patuloy na
pinaghuhusay ang kakayahan sa pag-awit, pagsayaw, at pagkanta sa entablado.
Magsisimula sa Basic Integrated Theater Arts Workshop (BITAW) at susundan ito
ng Team Building Workshop at Leadership Workshop. Nagsasagawa rin ng Advance
Acting Workshop, Dance at Singing Workshop at matapos nito ay lilikha ng Laboratory Production. Doon pa lamang lilikha ng major production na itinatanghal tuwing
Agosto, Setyembre, Pebrero, at Marso ng bawat taon.
Prayer in Huling Paraiso (Tanghalang Banyuhay)
Upang marating ang isang adhikain, ang mga balakid ay laging nariyan. Maaari ninyo po bang ilahad ang ilang pagsubok na hinarap at tinawiran ng Tanghalang Banyuhay Inc. upang marating nito ang kanyang kasalukuyang estado?
Isa sa
malaking pagsubok na hinaharap ng samahan ay ang pag-alis ng ibang kasapi dahil
na rin sa pagbabago ng kanilang gampanin sa buhay. Tulad na lamang ng mga
nakatapos na sa pag-aaral, sila na ang tumutulong sa kanilang pamilya kung kaya napipilitan na silang lumabas sa organisasyon dahil nag-iiba na rin ang
kanilang pangangailangan. Ang iba naman ay hindi kinakaya ang paghahati-hati ng
oras at responsibilidad sa bahay at sa pag-aaral. Dahil dito
ay regular ang ginagawang Audition at Free Workshop para mag-anyaya ng mga
bagong kasapi. Patuloy ang pagtuklas, patuloy ang pagtulong, patuloy ang
pagtatanghal para sa bayan.
Anu-ano po ang naging malalaking tagumpay ng Tanghalang Banyuhay Inc.?
Simula
2003 ay marami na ring major production ang naitanghal ng samahan tulad ng: Ang Batang Pio, Titser Ng Bayan, High Five,
Ang Paglalakbay Ni Poknat, Ginumon Ng Laro, Rizal Is My President, Huwag Mong
Subukan, Ang Pagbabalik Ni Rizal, Uso Pa Si Rizal, Ang Sistema Ni Propesor
Tuko, The Man With Great Vices, High Five Meets Kapitan VADAC at ang Huling
Paraiso.
Huling Paraiso of Tanghalang Banyuhay Inc.
Ilan sa mga venue
kung saan nakapagtanghal ang grupo ay sa mga sumusunod: Cultural Center of the
Philippines, PETA Theater Center, Manila Hotel, MalacaƱang Palace, Teachers Camp
Baguio City, Intramuros Manila, Ateneo De Manila, Philippine Normal University,
Crossroad 77, SM Clark Pampanga, SM Tarlac, SM Center Valenzuela, Museo
Valenzuela, Valenzuela City Auditorium, Valenzuela City Astrodome, Valenzuela
City Peoples Park Amphitheater at marami pang iba.
Ang
Tanghalang Banyuhay ay napili bilang isa sa mga Finalist ng 38th
Catholic Mass Media Award o CMMA, naging nominado sa KBP Golden Dove
Awards 2016, at makailang ulit na ring naisahimpapawid sa DZRH Radyo Balintataw, sa programa ng dating Chair ng National Commission for Culture and the Arts na
isa ring United Nation Artist for Peace Awardee na si Madam Cecile Guidote
Alvarez.
No Man is an Island by Tanghalang Banyuhay
Anu-ano po ang mga regular na aktibidad ng Tanghalang Banyuhay Inc.? Bukod sa
mga workshops ay nagsasagawa ang samahan ng Mobile Apostolate tuwing buwan ng
Disyembre. Nasa 100 hanggang 150 kabataan na may edad 5 hanggang 10 taon ang binibigyan ng t-shirt, tsinelas, school
supplies, health kit at regalong laruan. Nagsasagawa ng programa, palaro at pakain sa nasabing araw. Sa
pamamagitan ng kakaibang Christmas Carol ay lumilibot ang samahan sa mga piling
lugar sa ating lungsod upang makalikom ng pondo para sa nasabing gawain. Sa
tulong ng mga taong may mabuting kalooban ay matagumpay na naipadarama sa mga
nasabing kabataan ang tunay na diwa ng Pasko at ito ay ang pagbibigayan. Sa
kasalukyan ay halos higit 1,300 kabataan na ang natulungan ng samahan sa loob
ng 13 taon.
Tanghalang Banyuhay Inc. 13th Mobile Apostolate held at Dalandanan National High School
Taun-taon
din na ipinagdiriwang ng Tanghalang Banyuhay Inc. ang Christmas Party for the
Family. Tuwing buwan ng Disyembre ay nagsasagawa ng programa para sa kapamilya
ng bawat kasapi at dito na rin isinasagawa ang Accomplishment Report kung saan
iniuulat ng Pangulo ang naging gawain ng grupo sa loob ng isang taon.
Sa buwan
naman ng Enero isinasagawa ang One Year Planning ng organisasyon. Kasama ang
ilang piling kasapi ay lumilikha ng Annual Implementation Plan ang grupo upang
magsilbing gabay ng samahan.
Tuwing
buwan ng Enero, Abril, Hunyo, at Oktubre isinasagawa ang audition at free
workshop ng organisasyon. Layunin nito na tumuklas ng mga bagong kasapi.
Iba’t iba
naman ang paraan ng pagdiriwang ng anibersaryo o araw ng pagkakatatag ng grupo
tuwing Abril 5 ng bawat taon. Noong ika-13 taong anibersaryo ay ginanap ito sa
Ternate Beach and Resort sa Ternate Cavite. Sa araw ding ito binibigyan ng
pagkilala ang mga kasapi para sa kanilang natatanging kontribusyon sa samahan.
High 5 Meets Kapitan VADAC
Kasabay ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto ay lumilikha ng major production ang
samahan at tumatagal ito hanggang Oktubre at muling itinatanghal tuwing Marso. Ang
bawat pagtatanghal ay may kaakibat na adbokasiya, tulad na lamang ng dulang
“High Five Meets Kapitan VADAC” na kung saan
ay naging katuwang ng samahan ang Valenzuela Anti-Drug Abuse Council o
VADAC sa pangunguna ni Mayor Rex T. Gatchalian at Konsehal Antonio Espiritu
bilang Action Officer. Bago pa man ang giyera kontra droga ng Pangulong Rodrigo
Roa Duterte ay may mga hakbang na naisinasagawa sa ating lungsod upang ang
salot na droga ay mapuksa. Matapos maitanghal ang dula sa SM Center Valenzuela
Cinema 3, Karuhatan Valenzuela City ay itinanghal din ito sa Valenzuela Peoples
Park Amphitheater. Ang dulang “Huling Paraiso” naman na tungkol sa
pangangalaga ng ating kalikasan ay muling itatanghal sa SM Center Valenzuela
Cinema 3 sa darating na Marso 4, 5, at 11, 2017.
Ano po ang inyong mensahe sa mga pausbong na alagad ng sining sa Valenzuela City?
Hayaan ninyong hiramin ko ang sinabi ni Gat Dr. Jose Rizal…”Ang
lahat ng ating ginagawa para sa ating mga sarili ay mamatay kasama natin,
ngunit ang lahat ng ating ginagawa para sa ating mga kapwa ay mabubuhay
magpakailanman…” Ipagpatuloy natin ang pagtatanim ng mabuting pakikipagkapwa.
Gamitin natin ang talino at talentong ipinahiram ng Diyos upang tayo ay
makatulong sa kapwa…we will perform to educate people…not just to entertain! Want to know more about Tanghalang Banyuhay? Visit them at their office at Dalandanan Village, Dalandanan, Valenzuela City. Contact the theater group at (02) 293-7502 / (0905)335-4755 or send them a message on Facebook here.
If you have been to Gen. T. De Leon, you will certainly not miss the new towering building near Gen. T. De Leon National High School. A new mall in Valenzuela City!
Front of One Mall Valenzuela
Gathering more information from the Internet, One Valenzuela came across WTA Architecture and Design. On their page, One Mall Valenzuela was described to be about 31,400 square meters and serves as "a linchpin for the neighborhood as an everyday respite and a communal destination point". YIC Group of Companies, on the other hand, says that it is a 4-storey mall with 2 basement levels for carpark.
Here are some more photos:
People roaming around the new One Mall Valenzuela
Penshoppe Box and LBC at the first floor of One Mall Valenzuela
Jollibee and SM Savemore are already open. A signage at the front of the mall says that Templora Dermatologica is also located in the same floor level (second floor).
Daiso Japan and Handyman at the third floor of One Mall Valenzuela
Basement parking of One Mall Valenzuela
You will notice that many of the shops are yet to open when you explore One Mall. What excites One Valenzuela is that there will be a cinema in this mall! While we are waiting for things to pick up, let us explore Daiso Japan (see next post) and the interesting items One Valenzuela found there which you might find fascinating as well.
One Mall Valenzuela
Address: Gen. T. De Leon Road, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City (near Gen. T. De Leon National High School)
How to Go There: In Karuhatan Market, go and ride a jeepney at the terminal (Karuhatan-Ugong route). One Mall Valenzuela is just a few meters walk from Gen. T. De Leon National High School.