RUNNING PROJECT: #PIO150KM
Simple lang naman ito: tumakbo ng 150 kilometers mula July 2018 hanggang July 2019 sa mga races (hindi kasama ang training). Personal na celebration ko ng buhay ni Dr. Pio - 150th Birth Anniversary na niya. In between, plano kong mas makilala si Dr. Pio in many forms - sa mga libro, bagay, lugar, at kapwa Valenzuelano.
Sa dulo? Mas makilala ko yung sarili ko. Be a better version of myself. Paunti-unti. Gaya ng siyudad.
Tara, takbo tayo. 🏃🏃
 |
The decision to start doing the #PIO150KM project started here, the P. Valenzuela Street in Baguio City. I do not consider myself as an athlete - hindi ako batak sa takbuhan o anumang sports. Mahilig akong magbasa, magsulat, at mag-isip. Sa dami ng pwede kong isulat sa checklist, sabi ko, ito yata yung pinakamahirap ha.
Insert Photo: Hello po Tatay! Kwentuhan with a local residing in P. Valenzuela Street. Little did he know, naging parte siya ng desisyong i-pursue ko ung #PIO150KM project.
|
 |
5/150 km. July 2018.
Ito ang simula ng running journey ko para i-celebrate ang 150th ni Dr. Pio Valenzuela. Sa totoo lang, napapaisip pa ako kung kakayanin ko 'to. Seryoso. Pwede namang magbasa nalang ako tungkol sa buhay niya for 150 days.
Pero sige, push mo lang. Minsan naman talaga, malabo sa umpisa ang mga bagay-bagay. |
 |
Sa unang 5 kilometro rin ako naka-meet ng mga mananakbo na mula rin sa Valenzuela City. Parte sila ng Valenzuela Runners, grupo na madalas tumakbo sa Tierra Santa. Through time, mas marami pa sa kanila ang na-meet ko sa mga running events. Marami sa kanila ang long distance runners na. Nakaka-inspire! |
 |
10/150km. Sa Skechers Performance Run naman ako unang nakakuha ng medalya. Sinabitan ng medalya gaya ng lahat ng nakatapos sa kani-kanilang karera. Iba pala ang pakiramdam. May sense of accomplishment. Dito rin ako nakasalamuha ng isang grupo ng magkakaibigan na mula sa Valenzuela City. Na-realize ko sa kanila ang kahalagahan ng pagkakaibigan - walang iwanan, walang takbuhan. |
 |
20/150km - Pinoy Fitness Kasama Run 2018
First time tumakbo ng may kasamang Valenzuelano. Sa mga susunod na takbuhan, nakasama ko pa si Bro Rain na nagseset din ng mga running goals niya. |
 |
Through reading, nalaman ko din na importante ang cross training kapag tumatakbo. Plano ko kasing tumaas ng distansya - 10 kilometro! Maliban sa mga races, may kaakibat na running sessions at strength training ang project na ito. Sabi sa nabasa ko, mas mahirap ang training keysa sa races. Totoo nga ito.
|
 |
30 / 150km - Run With Me 2018
Birthday run. Maliban sa pagtakbo para sa running project, isinama ko sa motivation sa pagtakbo si Christine, isa sa mga estudyante ko. |
 |
40 / 150km On Your Mark 3/4 |
 |
Matapos ang takbuhan sa OYM 3/4, diretso ako sa bahay ni Dr. Pio Valenzuela. Isang paggunita at pagpapaalala. |
 |
Kaunting lakad pa at naparaan naman sa Paaralang Elementaryang Pio Valenzuela. Minsang may nakausap ako na matandang residente ng Balangkas, ganyan na ganyan pa rin naman daw halos ang hitsura ng eskwela noong panahon niya. |
 |
Night visit sa bahay ni Dr. Pio. First time bumisita ng isang ka-Valenzuelana sa Polo at syempre dapat idaan ko siya sa bahay. Iba ang dating ng lugar sa gabi - nostalgic. |
 |
45 / 150 km - Takbo para sa Kalikasan (Air Run)
Pagkatapos ng OYM 3/4, masama na talaga ang pakiramdam ko. Init-lamig-init. Pero tuloy pa rin ang buhay. No excuse. |
 |
55 / 150km - Yakult 10 Miler.
Strive for your best. Kung si Dr. Pio Valenzuela nga napakaraming nagawa sa bayan, tayo rin dapat.
In our own little ways. Sa bawat goal mo sa buhay, make the city proud of you. |
 |
60 / 150 km - Apat Biyaya Foundation Charity Fun Run 2018
Isa sa mga di inaasahang moment - ang makaakyat sa podium. |
 |
70 / 150 km - Run as One 2018
Dito ko tuluyang nakilala ang grupong Valenzuela Young Runners (Team VYR). Mga batang taga-Lawang Bato, Valenzuela City kasama si Coach Eugene Lim. Napakahuhusay nila, nakakabilib.

Bakit nakakabilib? They all strive to be better in their craft. And in the process, be better Valenzuelanos. Si Coach Eugene, umaalalay sa mga bata ng walang kapalit. Sabi niya sa akin noon, it's his way of giving back to his barangay. |
 |
70 / 150 km - Run as One 2018
Naaalala ko dito? Ang lakas ng ubo ko (Nakakahiya!).
Pero the best memory pa rin talaga yung may makasalamuha kang mga taga-Valenzuela rin. |
 |
Nasaksihan ko ang tunrover ng 100,000 piso centennial commemorative banknote sa Valenzuela City Museum. Una kong nakita ang bank note na ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas Museum noon. Makikita si Dr. Pio Valenzuela sa bank note na ito, sa scene ng "Sigaw ng Himagsikan". Malaki ang kanyang ginampanang bahagi sa rebolusyon.
May 1,000 kopya lamang ang na-issue nito noong 1998 Philippine Centennial Year at sa wakas ay mayroon na rin tayo.
Nakausap ko rin dito si Architect Arturo E. Valenzuela, Jr. at di ko maiwasang itanong kung ano ang paboritong ulam ni Dr. Pio. "Kare-kare," ang sabi niya. |

80 / 150km - Stripes Run 2018
Bilang advocate ng pagbabasa, takbo rin sa Stripes Run bilang pagsuporta sa reading campaign. Napaisip kung aling babasahin ang mainam na patungkol sa buhay ni Dr. Pio.
 |
85 / 150 km - Baguio Marathon 2019, 7th place 5km Female Division |
 |
90 / 150 km - UP Rota Run 2019, 1st place 5km Female Division
Naalala ko si Dr. Pio dito. Beneficiary ng takbo na ito ay ang rural health sector ng Pampanga.
Di ba't marami siyang natulungan bilang doktor? |
 |
100 / 150 km - 7 Eleven Run 2019
Minsan kahit anong preparasyon ang ginawa mo, meron at merong mangyayari na di mo inaasahan. Pero laging dapat manaig ang pagiging positibo. Salamat sa Team VYR sa pag-ampon sa akin sa takbong ito, akala ko uuwi akong mag-isa. |
 |
110 /150 km - Fed Run 2019
Muling pinabilib ng Team Valenzuela Young Runners. |
 |
120 / 150 km - Clark Half Marathon 2019
Nasaksihan ko dito ang takbo ng grupong Valenzuela Runners. Valenzuela City represent! |
 |
"If it doesn't challenge you, it doesn't change you."
Nakatapos sa ika-13 pwesto sa takbuhan na ito. |
 |
130 / 150 km - Pinoy Fitness Sub 1 10km Challenge
Ito na yata ang pinakamahirap na race na pinasok ko. Salamat Papa G, sa lakas.
Madalas kasi more than 1 hour ang takbo ko para sa 10km. Dito, pumasok ako sa inaasam kong sub1. |

Pagpunta sa mga kalyeng nakapangalan kay Dr. Pio Valenzuela. May tatlo akong napuntahan: sa Valenzuela, Quezon City, at yung sa Baguio. Mayroon din banda sa Caloocan at kung tama ang Google Maps, bandang Sta. Cruz, Laguna(?). (See
write up here.)
 |
Sumali ako sa Pixelmaster Grand Prix at ang tema ay "History". Hindi pinalagpas ang pagpunta sa dating natirhan ni Dr. Pio sa Maynila. Ayon sa inscription: "This house was occupied by Dr. Pio Valenzuela together with Ulpiano Fernandez and Faustino Duque, Filipino printers who turned out for Dr. Valenzuela and Emilio Jacinto 2,000 copies of the newspaper entitled "Ang Kalayaan," giving Yokohama as the place of publication to evade suspicion. The first issue was dated January 18, 1896, but was not circulated until the middle of March. The second issue, in preparation, was seized by the Spanish authorities when the revolution broke out that year.
Original house destroyed February 1945 in the battle of Liberation of Manila in the Second World War." |
 |
Pagbisita sa puntod ni Dr. Pio Valenzuela at kanyang kabiyak sa Polo Cemetery. |
 |
140/150km sa Manila Marathon 2019. Matapos ang marami-raming training sa virtual runs, sa wakas nakatakbong muli sa isang race. Ika-10th place sa 10km., female category (unofficial time). |
Ang huling 10 kilometro ng takbuhan. 150km - 10km. Milo Marathon 2019
Ganun yata talaga. Kapag may natatapos na proyekto...may mararamdaman kang kurot. Masaya na makukumpleto mo na ang goal mo, pero may halong di mawaring pakiramdam, kaunting lungkot kasi alam mong patapos na.
 |
Valenzuela Young Runners at si Bok Rain. Salamat sa pag-ampon sa akin sa napakaraming pagkakataon! Naging mas masaya at inspirado ang mga takbo ko dahil sa grupong ito. Photo Credit: R. Ferreras |
 |
Sabi nga nila, suportahan mo ang kapwa mo Valenzuelano. Maliit man o malaki, ang importante may ambag ka sa kabuuan. Photo Credit: Coach Eugene Lim |
 |
Sina Louise at Jerick. Salamat sa pagsama sa takbuhang ito! I hope you enjoy the unli-samgyup! Hugs! |
Siguro, ito iyong pinaka-excited ako na takbo. Kasi may mga makakasamang Valenzuelano, at ayun na rin, parang nagflashback yung mga ginawa ko ng buong taon. Na nung nagsimula ako, hihingal-hingal na mananakbo at ngayon nagsa-sampung kilometro na. May mga bagay na di mo akalaing kakayanin mo pala at lahat yun nagsisimula sa pagtitiwala sa sarili.
 |
Ang magkapatid na April at Bune. Salamat sa pagtakbo, ha? Malaking bagay sa akin na andyan kayo. Group huggg!
Photo Credit: A. Beranque |
 |
At oo...grabe naiyak ako dito. Buti nalang walang nanonood! |
Higit pa roon, sa loob ng isang taon, mas naramdaman at nakilala ko si Dr. Pio Valenzuela, ang bayani ng ating bayan. Malaking parte nito ay sa mga lugar at babasahin, ngunit unti-unti kong naintindihan na si Dr. Pio ay nasa ating lahat na mga Valenzuelanos. Lahat tayo ay nagtataglay ng kapiraso niya. At tulad ng isang puzzle, tayong lahat ay importanteng bahagi ng siyudad, repleksyon ng ating mahal na si Dr. Pio sa makabagong panahon.
Muli po, mainit na pasasalamat po sa lahat ng sumusuporta sa One Valenzuela blog.
Saan pa kaya dadalhin si One Valenzuela ng kanyang mga paa?
No comments:
Post a Comment