Thursday, August 24, 2017

Ang Sagot ni Stella: Isang Tula para kay Fidel

Youtube Trailer by Viva Films
It is also currently being shown at SM Center Valenzuela.

Isang Tula para kay Fidel
(Sagot ni Stella sa 100 Tula para kay Stella)

Pasensya ka na. Alam mo namang music talaga ang passion ko. Pero heto, sinubukan kong gumawa ng isang tula para sa iyo.

Kay tagal din ng panahong ginugol mo sa akin,
Nabulag nga yata ako't hindi ko napansin,
Nalango sa mga ambisyon ko’t naisin,
Kasama ang ‘sang boteng beer at kutkutin.

Alam kong gumuho ang iyong mundo,
Dibdib mo’y tila isiniksik sa masikip na buslo ,
Matapos ang lahat, sana ako ay mapatawad mo,
Manatili ang mga ala-ala noong first year pa tayo.  

Naaalala mo pa ba noong binanggit ko ang iyong ngalan sa entablado?
Tsaka yung sinabi ko sa banyong… paano kaya kung naging tayo?
Di ba’t napakasarap balikan ng ating nakaraan?
Masayang malungkot na kabanata ng ating kabataan.

Sadya mang hindi inadya na ang panahong ito’y maging atin,
Na ako’y maging iyo, At ika’y maging akin,
Masugatan man at magdugo ang iyong damdamin, 
Ika’y magpakatatag at magpatuloy pa rin.

 Andito lang,
Stella