National Arts Month is currently celebrated in the country. In support of promoting culture and arts in Valenzuela City, One Valenzuela is featuring Tanghalang Banyuhay Inc., a theater group based in our city. (Interview in Filipino)
Cast and staff of the stage play "Huling Paraiso" written and directed by Roderick O. Alo |
Sa
kasalukuyan, ang samahan ay binubuo ng mahigit sa 100 kasapi na pawang
aktibo at di aktibo mula noong ito ay maitatag. Mas kilalanin pa natin ang Tanghalang
Banyuhay Inc. sa pamamagitan ng isang panayam kay G. Roderick O. Alo:
Ano ang ibig sabihin ng "Banyuhay"? Paano po nagsimula ang Tanghalang Banyuhay Inc.?
Ang salitang “banyuhay” ay katumbas ng salitang “metamorposis” sa wikang Ingles. Ito ay nangangahulugang "positibong pagbabagong-anyo ng buhay” tulad ng proseso ng paglabas ng paru-paro sa loob ng kanyang cocoon. Ito ang pangunahing layunin ng samahan, ang matulungan ang bawat kasapi na positibong mahubog ang pagkatao at maging produktibong bahagi ng ating lipunan.

Ang
Tanghalang Banyuhay ay nagsimula bilang bahagi ng Parish Commission on Youth o
PCY ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima at naatasan na gumawa ng
pagtatanghal na Senakulo at Birhen ng Fatima. Matapos tanghaling kampeon sa
isinagawang patimpalak na Kwentong Kalye Street Play Competition noong 2003 ay
naisip ng mga kasapi na bumuo ng isang Community Based Theater Group at agad
itong ipinarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Bilang isang grupo, ano po ang kolektibong adhikain ng Tanghalang Banyuhay Inc.?
Sa simula ay pinangarap ng samahan na makatulong sa mga kasapi nito upang sila ay makatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng Tanghalang Banyuhay Inc. Scholarship Program. Bahagi ng kinikita ng samahan mula sa mga pagtatanghal ay inilalaan para makatulong sa mga kasapi. Sa kasalukuyan ay may 12 kasapi na ang nakapagtapos ng pag-aaral at karamihan sa kanila ay guro na sa pampublikong paaralan dito sa ating lungsod.

Oath taking ceremony with Mayor Rex T. Gatchalian |
Ano po ang mga abilidad at talento na hinahasa sa bawat miyembro ng Tanghalang Banyuhay Inc.? Paano po ito isinasagawa?
Nagsisimula
sa personality development at kung papaano magiging isang lider at maging
bahagi ng isang team. Dahil nga ang samahan ay nagtatanghal, patuloy na
pinaghuhusay ang kakayahan sa pag-awit, pagsayaw, at pagkanta sa entablado.
Magsisimula sa Basic Integrated Theater Arts Workshop (BITAW) at susundan ito
ng Team Building Workshop at Leadership Workshop. Nagsasagawa rin ng Advance
Acting Workshop, Dance at Singing Workshop at matapos nito ay lilikha ng Laboratory Production. Doon pa lamang lilikha ng major production na itinatanghal tuwing
Agosto, Setyembre, Pebrero, at Marso ng bawat taon.
Prayer in Huling Paraiso (Tanghalang Banyuhay)
Upang marating ang isang adhikain, ang mga balakid ay laging nariyan. Maaari ninyo po bang ilahad ang ilang pagsubok na hinarap at tinawiran ng Tanghalang Banyuhay Inc. upang marating nito ang kanyang kasalukuyang estado?
Isa sa
malaking pagsubok na hinaharap ng samahan ay ang pag-alis ng ibang kasapi dahil
na rin sa pagbabago ng kanilang gampanin sa buhay. Tulad na lamang ng mga
nakatapos na sa pag-aaral, sila na ang tumutulong sa kanilang pamilya kung kaya napipilitan na silang lumabas sa organisasyon dahil nag-iiba na rin ang
kanilang pangangailangan. Ang iba naman ay hindi kinakaya ang paghahati-hati ng
oras at responsibilidad sa bahay at sa pag-aaral.
Dahil dito ay regular ang ginagawang Audition at Free Workshop para mag-anyaya ng mga bagong kasapi. Patuloy ang pagtuklas, patuloy ang pagtulong, patuloy ang pagtatanghal para sa bayan.
Dahil dito ay regular ang ginagawang Audition at Free Workshop para mag-anyaya ng mga bagong kasapi. Patuloy ang pagtuklas, patuloy ang pagtulong, patuloy ang pagtatanghal para sa bayan.
Anu-ano po ang naging malalaking tagumpay ng Tanghalang Banyuhay Inc.?
Simula
2003 ay marami na ring major production ang naitanghal ng samahan tulad ng: Ang Batang Pio, Titser Ng Bayan, High Five,
Ang Paglalakbay Ni Poknat, Ginumon Ng Laro, Rizal Is My President, Huwag Mong
Subukan, Ang Pagbabalik Ni Rizal, Uso Pa Si Rizal, Ang Sistema Ni Propesor
Tuko, The Man With Great Vices, High Five Meets Kapitan VADAC at ang Huling
Paraiso.
Ilan sa mga venue
kung saan nakapagtanghal ang grupo ay sa mga sumusunod: Cultural Center of the
Philippines, PETA Theater Center, Manila Hotel, MalacaƱang Palace, Teachers Camp
Baguio City, Intramuros Manila, Ateneo De Manila, Philippine Normal University,
Crossroad 77, SM Clark Pampanga, SM Tarlac, SM Center Valenzuela, Museo
Valenzuela, Valenzuela City Auditorium, Valenzuela City Astrodome, Valenzuela
City Peoples Park Amphitheater at marami pang iba.
Ang
Tanghalang Banyuhay ay napili bilang isa sa mga Finalist ng 38th
Catholic Mass Media Award o CMMA, naging nominado sa KBP Golden Dove
Awards 2016, at makailang ulit na ring naisahimpapawid sa DZRH Radyo Balintataw, sa programa ng dating Chair ng National Commission for Culture and the Arts na
isa ring United Nation Artist for Peace Awardee na si Madam Cecile Guidote
Alvarez.
No Man is an Island by Tanghalang Banyuhay
Anu-ano po ang mga regular na aktibidad ng Tanghalang Banyuhay Inc.?
Bukod sa mga workshops ay nagsasagawa ang samahan ng Mobile Apostolate tuwing buwan ng Disyembre. Nasa 100 hanggang 150 kabataan na may edad 5 hanggang 10 taon ang binibigyan ng t-shirt, tsinelas, school supplies, health kit at regalong laruan. Nagsasagawa ng programa, palaro at pakain sa nasabing araw. Sa pamamagitan ng kakaibang Christmas Carol ay lumilibot ang samahan sa mga piling lugar sa ating lungsod upang makalikom ng pondo para sa nasabing gawain. Sa tulong ng mga taong may mabuting kalooban ay matagumpay na naipadarama sa mga nasabing kabataan ang tunay na diwa ng Pasko at ito ay ang pagbibigayan. Sa kasalukyan ay halos higit 1,300 kabataan na ang natulungan ng samahan sa loob ng 13 taon.

Taun-taon
din na ipinagdiriwang ng Tanghalang Banyuhay Inc. ang Christmas Party for the
Family. Tuwing buwan ng Disyembre ay nagsasagawa ng programa para sa kapamilya
ng bawat kasapi at dito na rin isinasagawa ang Accomplishment Report kung saan
iniuulat ng Pangulo ang naging gawain ng grupo sa loob ng isang taon.
Sa buwan
naman ng Enero isinasagawa ang One Year Planning ng organisasyon. Kasama ang
ilang piling kasapi ay lumilikha ng Annual Implementation Plan ang grupo upang
magsilbing gabay ng samahan.
Tuwing
buwan ng Enero, Abril, Hunyo, at Oktubre isinasagawa ang audition at free
workshop ng organisasyon. Layunin nito na tumuklas ng mga bagong kasapi.
Iba’t iba
naman ang paraan ng pagdiriwang ng anibersaryo o araw ng pagkakatatag ng grupo
tuwing Abril 5 ng bawat taon. Noong ika-13 taong anibersaryo ay ginanap ito sa
Ternate Beach and Resort sa Ternate Cavite. Sa araw ding ito binibigyan ng
pagkilala ang mga kasapi para sa kanilang natatanging kontribusyon sa samahan.
Kasabay ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto ay lumilikha ng major production ang
samahan at tumatagal ito hanggang Oktubre at muling itinatanghal tuwing Marso. Ang
bawat pagtatanghal ay may kaakibat na adbokasiya, tulad na lamang ng dulang
“High Five Meets Kapitan VADAC” na kung saan
ay naging katuwang ng samahan ang Valenzuela Anti-Drug Abuse Council o
VADAC sa pangunguna ni Mayor Rex T. Gatchalian at Konsehal Antonio Espiritu
bilang Action Officer. Bago pa man ang giyera kontra droga ng Pangulong Rodrigo
Roa Duterte ay may mga hakbang na naisinasagawa sa ating lungsod upang ang
salot na droga ay mapuksa. Matapos maitanghal ang dula sa SM Center Valenzuela
Cinema 3, Karuhatan Valenzuela City ay itinanghal din ito sa Valenzuela Peoples
Park Amphitheater. Ang dulang “Huling Paraiso” naman na tungkol sa
pangangalaga ng ating kalikasan ay muling itatanghal sa SM Center Valenzuela
Cinema 3 sa darating na Marso 4, 5, at 11, 2017.
Ano po ang inyong mensahe sa mga pausbong na alagad ng sining sa Valenzuela City?
Hayaan ninyong hiramin ko ang sinabi ni Gat Dr. Jose Rizal…”Ang
lahat ng ating ginagawa para sa ating mga sarili ay mamatay kasama natin,
ngunit ang lahat ng ating ginagawa para sa ating mga kapwa ay mabubuhay
magpakailanman…” Ipagpatuloy natin ang pagtatanim ng mabuting pakikipagkapwa.
Gamitin natin ang talino at talentong ipinahiram ng Diyos upang tayo ay
makatulong sa kapwa…we will perform to educate people…not just to entertain!
Want to know more about Tanghalang Banyuhay? Visit them at their office at Dalandanan Village, Dalandanan, Valenzuela City. Contact the theater group at (02) 293-7502 / (0905)335-4755 or send them a message on Facebook here.

No comments:
Post a Comment