Malaki ang tsansa na lahat tayo ay may isa o dalawang tiyuhin na magaling magluto - mayroong ang specialty ay crispy pata, barbecue, o di kaya ay chicharong bulaklak. Alam mo na yun! Ito yung mga tipo ng pagkain na gusto mong lantakan kapag matatapos na ang mahabang linggo ng pag-aaral o pagtatrabaho. Gaya ngayon. Biyernes na!
Usapang tito na rin lang naman, eh alamin na natin kung sino si Uncle John ng sizzling house na ito sa Karuhatan. Ang kainang ito ay may dalawang 'John' - ang tatay ng may-ari at ang kanyang business partner na si Reynon. Na pwedeng-pwede mo rin namang tawaging uncle kapag kakain ka sa kanila.
![]() |
Uncle John's Sizzling House ng Barangay Karuhatan |
"Nagugulat kami na may nangangatok na ng 11:00 ng umaga kahit na 12:00 pa ng tanghali ang bukas namin," sabi ni Jofi, ang isa sa may-ari ng kainan. Sila ni Reynon ay matagal nang nasa food service industry kung kaya't alam nila ang pisil ng masa. "Nung minsan naman, buong pamilya ang pumunta kahit magsasara na kami ng hatinggabi. Mula pa sa Canumay West," dagdag pa niya. Madalas rin daw na punuan sila kapag tanghalian at hapunan.
![]() |
Family Rule Number 1: Be happy! |
Anong meron sa kainang ito? Bestsellers nila ang sizzling plates na may UNLI RICE at UNLI GRAVY. Yes, you've heard it right, UNLI. At natikman ni One Valenzuela dito ang dalawang panalong sizzling plates nila: ang Sisig (P99.00) at T-Bone Steak (P149.00).
![]() |
Gravy pa lang, ulam na! |
![]() |
Ito naman ang T-Bone Steak. Malambot ang karne at masarap lagyan ng maraaaming gravy. |
At dahil feel na feel na natin ang Friday, punta tayo kina Uncle John, our next-door Tito sa Karuhatan. Time to relax na, just keep calm, and eat sisig.
----Uncle John's Sizzling House
Location: 1252 Cristobal Street, Karuhatan, Valenzuela City
Sizzling Hours: 12:00nn-12:00mn, daily
Accepts deliveries and advanced orders.
Contact Number: Smart: 0920-4556324 / 0915-7869268
Follow Uncle John's Sizzling House on Facebook here.
Paano Makararating sa Uncle John's Sizzling House:
Mula sa Marulas (BBB McArthur), sumakay ng jeep papuntang Karuhatan. Bumaba sa Karuhatan Jeepney Market at lumakad papasok sa Karuhatan Public Market. Di na kailangang sumakay - maglakad lamang hanggang sa lumagpas ng Jeepney Terminal. Malapit ang Uncle John's Sizzling House sa lumang LTO sa Karuhatan. Ang Cristobal Street ay ang kalye bago mag-barangay hall.
No comments:
Post a Comment