It is also currently being shown at SM Center Valenzuela.
Isang Tula para kay Fidel
(Sagot ni Stella sa 100 Tula para kay Stella)
Pasensya ka na. Alam mo namang music talaga ang passion ko. Pero heto,
sinubukan kong gumawa ng isang tula para sa iyo.
Kay tagal din ng
panahong ginugol mo sa akin,
Nabulag nga yata ako't
hindi ko napansin,
Nalango sa mga ambisyon
ko’t naisin,
Kasama ang ‘sang boteng
beer at kutkutin.
Alam kong gumuho ang
iyong mundo,
Dibdib mo’y tila
isiniksik sa masikip na buslo ,
Matapos ang lahat, sana
ako ay mapatawad mo,
Manatili ang mga
ala-ala noong first year pa tayo.
Naaalala mo pa ba noong
binanggit ko ang iyong ngalan sa entablado?
Tsaka yung sinabi ko sa
banyong… paano kaya kung naging tayo?
Di ba’t napakasarap
balikan ng ating nakaraan?
Masayang malungkot na
kabanata ng ating kabataan.
Sadya mang hindi inadya
na ang panahong ito’y maging atin,
Na ako’y maging iyo, At
ika’y maging akin,
Masugatan man at
magdugo ang iyong damdamin,
Ika’y magpakatatag at magpatuloy
pa rin.
Andito lang,
Stella
No comments:
Post a Comment