Mang Juanito of SLAX'S Jeans has been sewing and repairing pants for about 45 years. |
Mang Juanito, 67, of Barangay Rincon is just the right person who can answer such needs, sewing those well-loved pants and giving them a second (and sometimes a third or fourth) chance to be worn again. One Valenzuela noticed how Mang Juanito would carefully mind each pair of jeans like its his own. One Valenzuela also learned that he was a master cutter / tailor then and has been sewing pants for about 45 years already! Here's One Valenzuela's brief account of Mang Juanito Galong on being a tailor since the 1970's:
Gaano katagal na po kayo dito sa Valenzuela City?
Since 1972. Dito na rin sa Rincon.
Nananahi na po kayo noon?
Oo. Noong lumipat ako rito, namamasukan pa ako bilang master cutter ng pantalon. Puro pantalon. Sa Quezon City. Almost one year lang yun. Tapos 1974, dito na ko nanahi.
Ganun na po pala kayo katagal na mananahi. Sa pwesto pong ito?
Doon kami sa dulo. Sa kabila. Nangungupahan kami doon sa kabila.Tapos noong araw, sinabi ko sa may-ari na magpagawa ng pwesto. Sinuggest ko sa may-ari na magpagawa ng pwesto, kaya nalipat ako rito. Mga 1983 (nandito na ang pwesto). Bata ka pa nun, (baka) wala ka pa.
Tama po, wala pa po ako noon. Doon po kayo natuto sa Quezon City manahi?Marunong na kong manahi noon. Master cutter ako noon, may amo ako. Amo ko noon yung kapatid ni Gov. Singson.
Ano po ang karaniwang ginagawa ninyo sa isang araw bilang mananahi?
Nananahi, nagtatabas. Kasi (noon) dito, may mananahi akong iba. Ako ang may-ari, may mananahi pa ako. Kasi noong 1970's, malakas ang tahi namin, di ko kayang mag-isa. Kaya kumuha ako ng mananahi. Bale ang mananahi ko, walo noong araw. Walo ang tao ko, ang empleyado ko.
Nagbubuo ako, nagtatabas ako (ng pantalon). Ako ang pinaka-master cutter. Ngayon nagre-repair din. Dito, lahat. Maghapon.
Karaniwan po, magkano ang tabas at iba pang serbisyo?
Kumporme kasi. Kung repair lang, putul-putol, Php30.00 ang isang putol. Pag gagawing baston, Php50.00. Liliitan (ang pantalon). Kapag bubuuin, Php300 ang labor nun. Walang tela. Kapag may kasamang tela, Php600.00 ang isang pantalon.
Ano naman po ang natutunan ninyo bilang mananahi lalo na at matagal na po kayong nananahi?
Sa experience? Ang pananahi ay magandang hanapbuhay. Kasi dito, lahat, mae-experience mo. Mula sa pagharap sa tao, pakikisama sa tao. Tapos dati, nagtricycle pa ako noong araw. Nagta-tricycle na ako, nananahi pa ako. Sideline ko para sa pamilya.
Mula sa walo, ako nalang mag-isa. Kasi hindi na uso ang pananahi ng marami ngayon. Paisa-isa nalang. Karamihan ay repair. Dati, pasadya (ang pagpapagawa ng pantalon). 1970's. Ang patahi noong araw, nagsisimula sa Php8.00 lang. Pero mahal na yun noong araw. Tapos naging Php15.00. Tumaas ng tumaas kasi tumataas din ang (presyo) ng materyales. Ang tailoring, may puhunan din yan eh. Kapag may nagpatahi sa iyo, bibili ka ng sinulid. Bibili ka ng zipper. Bibili ka ng butones. Kailangan lahat yan. Maraming kailangan. Hindi basta-basta na isang klase. Hindi mo mabubuo ang isang pantalon kung wala ang mga iyon. Di ba? Kailangan, kumpleto yun. Tapos, kailangan may makina ka...
May challenge po ba kayo na nalagpasan bilang mananahi na gusto po ninyong ibahagi?
Kasi noong mga panahon na iyon, 1970's to 1980's, maganda pa ang trabaho. Mga 1980's pataas na, humina na ang tahi. Dahil nauso ang mga ready made. Noong nauso ang ready made, bihira ang nagpapaputol. Bihira ang nagpapatahi...Dati nagready made din ako ng kaunti. Wala, hindi umasenso. Kasi ang gusto ng mga tao.... orig-orig (original)...mga Levi's, Wrangler, Amco. Noong araw. Mahal yun. Ang tela nun, mahal din.
Yung mga panahong yun, nag-aaral din ang mga anak ko. Sabay-sabay. Kaya nag-sideline nalang din ako ng tricycle. Nakapagpatapos din ako ng 4 na bata. Dahil sa pananahi. Nagtulungan kaming mag-asawa. Mananahi din ang asawa ko eh.
Bilang isang mananahi, ano po ang nais ninyong iparating sa iba pa pong nagtatrabaho?
Kailangan mahaba ang pasensya. Kailangan marunong ka ring makisama. At ang pananahi, lifetime. Maski may edad ka na, pwede ka pang manahi. Basta kaya mo pa. Hindi naman ako tapos ng pag-aaral, pero natutunan ko ang tailoring... Mas maganda ang kita sa tailoring kaysa mamasukan. Maski ngayon. Kung ikukumpara mo sa namamasukan na pangkaraniwan, mas maganda ito. Dito, kung marunong ka sa lahat (ng gawain), maski saan, pwede ka. Kasi ang tao, nagdadamit. So kahit nasa isang tabi ka, isang sulok, pero kung magaling ka manahi, dadayuhin ka ng tao.
Message ko lang eh, kailangan maging masipag sila. Masikap. Sipag at tiyaga. Kasi ang tao kapag walang sipag, wala. At sa kahit anong hanapbuhay, kung di ka nagtiyaga, wala...At kapag hindi ka marunong makisama, malabo kang umasenso. Di ba? Yun ang mga kailangan natin.
Sincerest thanks po, Mang Juanito, for sharing your story.
If you would like to have your jeans repaired by Mang Juanito, his humble shop, SLAX'S Jeans, is located at No. 71 Rincon Road, Barangay Rincon, Valenzuela City. It is open from 8:00am to 8:00pm daily.
Since 1972. Dito na rin sa Rincon.
Nananahi na po kayo noon?
Oo. Noong lumipat ako rito, namamasukan pa ako bilang master cutter ng pantalon. Puro pantalon. Sa Quezon City. Almost one year lang yun. Tapos 1974, dito na ko nanahi.
Ganun na po pala kayo katagal na mananahi. Sa pwesto pong ito?
Doon kami sa dulo. Sa kabila. Nangungupahan kami doon sa kabila.Tapos noong araw, sinabi ko sa may-ari na magpagawa ng pwesto. Sinuggest ko sa may-ari na magpagawa ng pwesto, kaya nalipat ako rito. Mga 1983 (nandito na ang pwesto). Bata ka pa nun, (baka) wala ka pa.
SLAX'S Jeans at Barangay Rincon, Valenzuela City |
Ano po ang karaniwang ginagawa ninyo sa isang araw bilang mananahi?
Nananahi, nagtatabas. Kasi (noon) dito, may mananahi akong iba. Ako ang may-ari, may mananahi pa ako. Kasi noong 1970's, malakas ang tahi namin, di ko kayang mag-isa. Kaya kumuha ako ng mananahi. Bale ang mananahi ko, walo noong araw. Walo ang tao ko, ang empleyado ko.
Nagbubuo ako, nagtatabas ako (ng pantalon). Ako ang pinaka-master cutter. Ngayon nagre-repair din. Dito, lahat. Maghapon.
Karaniwan po, magkano ang tabas at iba pang serbisyo?
Kumporme kasi. Kung repair lang, putul-putol, Php30.00 ang isang putol. Pag gagawing baston, Php50.00. Liliitan (ang pantalon). Kapag bubuuin, Php300 ang labor nun. Walang tela. Kapag may kasamang tela, Php600.00 ang isang pantalon.
Ano naman po ang natutunan ninyo bilang mananahi lalo na at matagal na po kayong nananahi?
Sa experience? Ang pananahi ay magandang hanapbuhay. Kasi dito, lahat, mae-experience mo. Mula sa pagharap sa tao, pakikisama sa tao. Tapos dati, nagtricycle pa ako noong araw. Nagta-tricycle na ako, nananahi pa ako. Sideline ko para sa pamilya.
Mula sa walo, ako nalang mag-isa. Kasi hindi na uso ang pananahi ng marami ngayon. Paisa-isa nalang. Karamihan ay repair. Dati, pasadya (ang pagpapagawa ng pantalon). 1970's. Ang patahi noong araw, nagsisimula sa Php8.00 lang. Pero mahal na yun noong araw. Tapos naging Php15.00. Tumaas ng tumaas kasi tumataas din ang (presyo) ng materyales. Ang tailoring, may puhunan din yan eh. Kapag may nagpatahi sa iyo, bibili ka ng sinulid. Bibili ka ng zipper. Bibili ka ng butones. Kailangan lahat yan. Maraming kailangan. Hindi basta-basta na isang klase. Hindi mo mabubuo ang isang pantalon kung wala ang mga iyon. Di ba? Kailangan, kumpleto yun. Tapos, kailangan may makina ka...
Mang Juanito works on his sewing machine. |
Kasi noong mga panahon na iyon, 1970's to 1980's, maganda pa ang trabaho. Mga 1980's pataas na, humina na ang tahi. Dahil nauso ang mga ready made. Noong nauso ang ready made, bihira ang nagpapaputol. Bihira ang nagpapatahi...Dati nagready made din ako ng kaunti. Wala, hindi umasenso. Kasi ang gusto ng mga tao.... orig-orig (original)...mga Levi's, Wrangler, Amco. Noong araw. Mahal yun. Ang tela nun, mahal din.
Yung mga panahong yun, nag-aaral din ang mga anak ko. Sabay-sabay. Kaya nag-sideline nalang din ako ng tricycle. Nakapagpatapos din ako ng 4 na bata. Dahil sa pananahi. Nagtulungan kaming mag-asawa. Mananahi din ang asawa ko eh.
Bilang isang mananahi, ano po ang nais ninyong iparating sa iba pa pong nagtatrabaho?
Kailangan mahaba ang pasensya. Kailangan marunong ka ring makisama. At ang pananahi, lifetime. Maski may edad ka na, pwede ka pang manahi. Basta kaya mo pa. Hindi naman ako tapos ng pag-aaral, pero natutunan ko ang tailoring... Mas maganda ang kita sa tailoring kaysa mamasukan. Maski ngayon. Kung ikukumpara mo sa namamasukan na pangkaraniwan, mas maganda ito. Dito, kung marunong ka sa lahat (ng gawain), maski saan, pwede ka. Kasi ang tao, nagdadamit. So kahit nasa isang tabi ka, isang sulok, pero kung magaling ka manahi, dadayuhin ka ng tao.
Message ko lang eh, kailangan maging masipag sila. Masikap. Sipag at tiyaga. Kasi ang tao kapag walang sipag, wala. At sa kahit anong hanapbuhay, kung di ka nagtiyaga, wala...At kapag hindi ka marunong makisama, malabo kang umasenso. Di ba? Yun ang mga kailangan natin.
Sincerest thanks po, Mang Juanito, for sharing your story.
If you would like to have your jeans repaired by Mang Juanito, his humble shop, SLAX'S Jeans, is located at No. 71 Rincon Road, Barangay Rincon, Valenzuela City. It is open from 8:00am to 8:00pm daily.
No comments:
Post a Comment