Writing One Valenzuela's brief encounters with the people of Valenzuela City.
Because each of us has a story to tell.
"Nakapagpatapos na kami ng dalawang anak sa college dahil dito..."
...dahil sa homemade siopao na tig-Php20 (Special) at Php10 (Regular).
Si Tatay Lito, 47, at ang kanyang asawa ay nagluluto ng chicken at pork asado siopao na kanila ring nilalako. Madalas raw makikita si Tatay Lito sa tapat ng Mercury Drugstore sa Polo ng mga alas siete ng gabi. Nakapuwesto naman ang kanyang asawa banda sa bigasan. Sinundan niya ang yapak ng kanyang tatay na nagluluto't nagbebenta rin ng siopao.
Nakakatuwa ring marinig na unti-unti na rin nilang nabubuo ang kanilang pangarap na bahay. "May finishing pa..." sabi ni Tatay Lito.
Bagama't medyo maulan ngayong araw, naging maganda naman ang gabi dahil sa ganitong kwentuhan. Bili kayo kay Tatay Lito kapag nagawi kayo sa Polo ha.
First published on Facebook: November 21, 2018
No comments:
Post a Comment