Napakatagal ko yatang pinag-isipan ang mensaheng ito. Kung bibigyan ka ng isang minuto kung saan makikinig ang lahat, ano bang pwede mong sabihin maliban sa mainit na pasasalamat? Ano ba ang dapat mong sabihin? Mahirap sumahin ang halos sampung taon ng paglalagalag sa bayan kung saan ako namulat, nakatira, at patuloy na nagsisilbi.
Matapos ang ilang gabi ng pagmumuni-muni, narito ang mensahe ng pagtanggap na aking nabanggit noong ika-11 ng Hulyo, 2019:
![]() |
Maraming salamat po sa inyong lahat, ka-Valenzuelano! |
"Nagsimula po ang One Valenzuela bilang isang simpleng online
blog na nagkukwento ng buhay ng isang pangkaraniwang Valenzuelano. Hindi ko
rin lubos akalain na mula sa mga maliliit na kwentong yun ay malalatag nito ang daan
upang hindi lang mahubog ang pagkakakilalan sa sarili bilang isang Valenzuelano kundi magkaroon pa ng mas malaking direksyon at epekto sa kapwa kong
taga-siyudad: Valenzuelano sumusuporta sa kapwa niya Valenzuelano, ang
pagtaguyod sa lokal, ang pakikinig sa mga kwento mga simpleng Valenzuelano gaya
ko.
Ang Gawad pong ito ay nagsisilbing paalala po sakin, sa ating lahat, upang
maghanap ng layunin na mas malaki pa sa ating sarili na siyang
magbibigay ng mas malalim na kabuluhan sa ating buhay. At ang akala nating
maliliit at simpleng aksyon o bagay? Minsan sila yung mas importante.
Maraming salamat po sa mga kapwa ko Valenzuelano, sa inyong
mainit na pagtanggap. Sa aking pamilya at supportive na mga kaibigan, thank you po. Sa
bumubuo po ng Committee ng Gawad Dr. Pio Valenzuela, salamat po ng marami. Thank you for allowing me to serve Valenzuela City on another capacity. I
hope we all keep living and loving Valenzuela City, one day at a time.
All this by His grace."
![]() |
Ang pamilya Valenzuela: marami sa kanila ang nasa ibang bansa at umuwi pa upang makiisa sa selebrasyon ng ika-150th na anibersaryo ni Dr. Pio Valenzuela. |
Iba ang naging bihis ng lobby ng Valenzuela City Hall nung araw na iyon. Ramdam mo ang importansya ng anibersaryo sa bawat detalye. Iba rin ang ngiti ng mga nagsidalo - mula sa pamunuan ng lungsod hanggang sa mga imbitadong panauhin - yung ngiting di mo madalas makita dahil sa sobrang busy ng buhay.
Nakakataba ng puso na matunghayan ang ganun kahalagang selebrasyon para sa isang simpleng mamamayang kagaya ko. Sabi nga nila, gumawa ka at maging parte ka ng mga bagay na ikukwento mo sa susunod na henerasyon...at ito? Hinding-hindi mawawala ang istoryang ito.
No comments:
Post a Comment